Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Female star gustong bumalik sa dating network


ni Ed de Leon

Ilang panahon na rin palang nagpapadala ng feelers ang female star sa mga kaibigan niyang nakalipat na sa bagong network na baka makalipat din siya roon. Pero mukhang ang feelers niya ay hindi naman pinapansin ng mga boss ng network.

“Dito sumikat iyan noong araw, noong magkapangalan walang sabi-sabi na lumipat siya sa iba. Ngayong laos na siya gusto niyang bumalik,” ang natatawang sagot sa amin ng isang network executive.

Totoo naman iyon. Noong baguhan pa siya at wala pang binatbat, kinupkop siya ng network sa pakiusap ng manager niya noon. Noon namang sumikat na siya, palagay niya kahit na ano ang gawin niya hindi siya magiging number one sa network, dahil may mas matindi ang popularidad sa kanya na naroroon din. Bigla nga siyang lumipat ng network nang walang sabi-sabi.

In fact hinihintay pa siya sa show kung saan siya co-host, nang nagulat na lang ang network nang malaman na nasa kalabang show siya at nag-a-announce na magkakaroon siya ng solo show doon. Hindi naman siya hinabol. Ngayong laos na siya gusto niyang bumalik?

Suntok sa buwan iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …