Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eula Valdez

Eula makahahanap din ng panghabambuhay na kapartner

HATAWAN
ni Ed de Leon

ILANG araw lamang matapos na kumalat ang balita at inamin ni Eula Valdez na hiwalay na nga sila ng dating boyfriend na si Rocky Salumbides, na naka-live in din niya ng ilang panahon. Lumabas naman agad ang kuwento na ang ka-live in na niyon ngayon ay ang aktres na si Pia Pilapil, na hiwalay na rin naman sa dating asawang si Gerry Gonzalo.

Lumalabas na kung ano man ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, matagal na iyong pinag-iisipan ng kanyang partner kaya may nakasama na iyong iba agad. Marami ang nagsasabing masakit iyan para kay Eula, pero naniniwala kaming kaya niya iyan.

Hindi naman iyan first time na nangyari sa kanya. Kung iisipin matagal din ang naging relasyon nila ni Ronnie Quizon, na siyang una pa niyang partner. Nagkahiwalay sila makalipas ang ilang taon din. Pero may natagpuan din namang iba si Eula, si Richard Litonjua na pinakasalan pa siya. Nagpakasal sila sa paniwalang forever na iyon, pero hindi rin nangyari. Nagkahiwalay sila at nakita naman niya ang kanyang last partner. Siguro nga masasabing dahil sa kanyang mga naging karanasan, kayang dalhin ni Eula ang nangayaring iyan sa kanya.

Iyan si Eula, kahit naman noong araw na bata pa iyan, fighter iyan. Hindi madedehado sa laban iyan. Ang isa pa ngang masasabi, sabihin mang hindi siya suwerte sa kanyang love life, napakaganda naman ng takbo ng kanyang career. Kahit na sabihin mong supporting roles lamang ang karaniwan niyang ginagawa, hindi naman siya natitigil. Nakatutulong iyon. Dahil busy siya hindi niya masyadong nararamdaman ang emotional stress.

Basta kami, ang paniwala namin makakaya iyan ni Eula, at sigurado rin naman kami na darating din ang isang araw na may darating na makakasundo niya at makakasama na niya hanggang sa pagtanda niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …