Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF FDCP

MMFF matagal nang inaambisyong kunin ng FDCP

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI ganoon kadaling alisin sa MMDA iyang Metro Manila Film Festival, kasi iyan ay pinatatakbo ayon sa isang batas. Iyang MMFF ay hindi rin naman nilikha ng MMDA, nadatnan na nila iyan. Galing iyan sa industriya, sa noon ay PMPPA President pa si Joseph Estrada at Censors chief si Gimo de Vega. At bilang governor noon ng Metro Manila, ginawang honorary chairman si first lady Imelda Marcos.

Iyang MMFF na iyan, matagal nang ambisyong makuha ng FDCP. Eh may mga festival din naman sila, pero may napansin ba? Noong makialam sila at pinasukan ng puro indie ang MMFF, hindi ba bumagsak

nang husto? Kaya ang dapat, pabayaan na muna nila iyan dahil wala naman silang maiaalok na mas mabuti. Isa pa, sigurado ba sila na sila pa rin ang hahawak sa FDCP sa ilalim ng bagong administrasyon?

Pag-aralan nila kung ano ang mas magiging magandang takbo ng industriya. Hindi iyong lahat gusto nila ma-control eh wala pa naman silang napatutunayang kaya nga nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …