Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villaroel Daddy Reggie

Carmina sobrang nalungkot sa pagkawala ni Daddy Reggie

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAHIT na noon pa, alam naman ng halos lahat na “daddy’s girl” si Carmina Villaroel. Kasi wala naman siyang matatakbuhang iba kundi ang erpat niya. Matagal na ring yumao ang mother niya. Kaya nga nitong mahigit na dalawang dekada na, ang gumagabay sa kanya ay si Daddy Reggie na.

Kaya naman hindi mo maiaalis sa kanya ang matinding kalungkutan nang yumao na rin si daddy Reggie tatlong araw lamang ang nakararaan. Pinili na lang nilang maging pribado ang kanilang

pagdadalamhati, at makalipas nga lang ang isang araw ay may post na si

Carmina sa kanyang social media account na hawak-hawak na niya ang urn na naglalaman ng labi ng tatay niya.

Maging ang kanyang anak na si Cassy ay nagpahayag din ng kalungkutan sa pagkawala ng kanyang minamahal na lolo.

Sa nakikita namin, matagal ang epekto ng pagkawala ng kanyang ama kay Carmina, pero bilang isang professional, kailangan pa rin niyang harapin ang kanyang career. Iyan ang sakit ng isang artista ka. Ano man ang dinadamdam mo, ang umiiral ay ang kasabihang “the show must go on.” Wala silang pakialam kung ano man ang nangyari. Wala silang pakialam kung ano man ang nadarama mo. Kailangang patuloy kang magbigay ng kasiyahan sa publiko. Artista ka eh.

Iyan ang isang bagay na natatandaan naming sinasabi ni Kuya Germs. Noong mamatay ang mother niya, halos maghapon at magdamag siya sa Mt. Carmel Church dahil doon nakaburol pero basta oras na ng kanyang show, tatawid siya papuntang Broadway Centrum dahil hindi niya maaaring pabayaan ang kanyang show. Kailangan siyang tumawa at magpatawa, kasi iyon ang trabaho niya. Artista siya eh. Walang kinalaman ang tao sa nararamdaman mo. Ang kailangang isipin mo ay kung ano ang gustong makita sa iyo ng mga taong nanonood sa iyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …