I-FLEX
ni Jun Nardo
BIBIGYANG-NINGNING ng Korean beauty queens ang launching ng AQ Prime na gaganapin sa isang sosyal na hotel ngayong linggo.
Sa Facebook page ng AQ Prime, ang darating na Miss Korea 2021 beauty queens na magiging parte ng launching ay sina Mina Sue Choi at Do Hee Jung.
Isang bagong streaming app ang AQ Prime na nag-produce ng pelikulang Nelia ni Winwyn Marquez at isang filmfest entry. Isa ito sa movies na mapapanood sa streaming app pati na rin mga ibang movies na produced ng AQ Prime.
Ratsada ngayon sa pagggawa ng movies ang AQ Prime gaya ng Adonis, Behind The Lens, Z Love at iba pa.
Bukod sa Korean beauty queens, may performance rin ang Pinoy girl group na KAIA.