I-FLEX
ni Jun Nardo
NGAYONG gabi, Biyernes, isasalang ang bagong dagdag na members ng longest running gag show ng GMA na Bubble Gang at bagong segments nito.
Naniniwala kasi ang creative director ng gag show na si Michael V na dapat, nag-e-evolve ang comedy show lalo na ngayong marami na ang platforms at uso na ang social media.
Ang mga bagong mukhang mapapanood sa gag show ay ang Starstruck winner na sina Kim de Leon, Faith da Silva, dancer-vlogger na si Dasuri Choi, at beteranang komedyana na si Tuesday Vargas.
Ang bagong segments naman ay ang Maritess United na all female segment led by Valeen Montenegro, Patibongna makikilala ang bagong character ni Paolo Contis.
Siyempre, tuloy pa rin ang Bes Friends nina Sef Cadayon at Kokoy de Santos at Istambays.
Si Frasco Mortiz ang director ng Bubble Gang at kung lagi kayong nanoood tuwing Friday, kabisado ninyo kung sino ang nasibak sa dating cast, huh.