Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Sugat sa ulo natuyo sa Krystall Herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po Janjan Sta. Cruz, 23 anyos, taga-Las Piñas City. Dati po kaming nakatira sa Muntinlupa City pero mula nang nagtrabaho ako, lumipat na kami rito sa Las Piñas.

               Dito po sa lugar namin mahirap ang tubig, kaya kadalasan na problema ng marami ay skin problem. Naranasan ko po rito ang pagsusugat sa ulo kasi nga every other day kung makapag-shampoo.

               Kaya nagsikap po kaming magkakapitbahay na magkaroon kami ng regular na supply ng tubig. Naging matipid rin po kami. Nag-ambagan kami ng mga tubig na ipinambanlaw sa paglalaba na puwedeng ipangbuhos sa inodoro o kaya ay pandilig sa halaman.

               Sinikap din po naming makagawa ng mga drum na sinasahuran namin ng tubig kapag umuulan. At patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa ahensiya ng water utility para maging regular ang supply ng tubig.

               Awa ng Diyos, ay nagkakaroon naman po ng linaw ang problema namin sa water supply.

               “Yun nga po, noong magkasugat po ako sa ulo, araw-araw bago matulog ay tinatiyaga ko pong linisin saka pupunasan ng KRYSTALL Herbal Oil.

               Aba mabilis pong natutuyo ang sugat ko sa ulo hanggang gumaling nang tuluyan at hindi na ako binalikan.

               Ganyan po kabisa ang husay at galing ng Krystall Herbal Oil. Hindi lang panghaplas, pampagaling din ng sugat sa ulo.

               Maraming salamat po Sis Fely.

JANJAN STA. CRUZ

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …