Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Namamagang ugat sa kamay at paa pinahupa ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po ay isang kusinero sa isang karinderya, pero nitong kasagsagan ng pandemya nawalan kami ng trabaho.

               Ang pangalan ko ay Wilberto Cinco, 57 years old, tubong Pampanga, pero ngayon ay naninirahan sa Valenzuela City.

               ‘Yun na nga po, nawalan ako ng trabaho pero ang isang positibong bagay na nangyari ay napagtuunan ko ng pansin ang aking kalusugan.

               Marami po kasi akong parang namamagang ugat sa aking kamay at sa aking mga paa. Sabi ng isang manghihilot, ibababad ko lang daw sa maligamgam na tubig at pagkatapos ay hahaplusin ng miracle oil.

               Ang sabi po niya sa akin, maganda raw gamitin ‘yung Krystall Herbal Oil. Mayroon pa siyang naka-stock kaya pinasaulian na lang niya ‘yung isang bote na 30 ml.

               Inumpisahan niya po ang masahe sa aking talampakan para malaman daw niya kung ano-ano ang problema ko sa loob ng katawan.

               Sabi niya, hindi balanse ang lamig at init sa aking katawan, kaya medyo matagal-tagal na paghihilot daw ang kailangan.

               Sabi ko naman, nawalan ako ng trabaho, pero gagawa ako ng paraan para maipagpatuloy ko ang pag-igi ng aking kalusugan.

               Sa loob ng dalawang taon, patuloy po akong nagpa-therapy (hilot) sa kanya. Sumasabay na lang din akong magpabili ng Krystall Herbal Oil. At pagkatapos ng hilot, pinaiinom din po niya ako ng Krystall Nature Herbs.

               Ngayon po kapag tinitingnan ko ang aking mga kamay at ang aking paa, nakita ko ang malaking pagbabago. Hindi na po ganoon kalaki ang mga ugat sa aking mga kamay at mga paa.

               Malaki po ang pagpapasalamat ko sa manghihilot na nagturo sa akin ng ng paggamit ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs.

               Ganoon din po sa inyo Sis Fely dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon.

               God bless you po.

WILBERTO CINCO

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …