Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
OPISYAL nang nagparamdam ang Agua de Mayo nitong nakaraang Linggo. Ibig sabihin, tag-ulan na po. Gaya nang dati muli po tayong magpapaalala maging handa sa pagbabago ng klima o panahon.
Kapag tag-ulan, nariyan ang ubo, sipon, trangkaso, alipunga, leptospirosis, at iba pa.
Sabi nga, wala nang ibang paraan kundi palakasin ang katawan, ayusin ang pagkain, at maging maingat.
Gaya ng madalas nating ipayo, kung malamig ang panahon, kumain ng mga pagkain o prutas na nagbibigay ng init sa katawan.
Ang mga prutas na mainit (hot/warm fruits) sa katawan ay durian, bayabas, ubas, caimito, longan, duhat, strawberry, lychee, cherry, at lanzones.
Ang balancing fruit — ang mansanas o apple ay puwede sa lahat ng panahon.
Kapag taglamig, sikapin natin kumain o uminom ng maiinit na pagkain/inumin gaya ng lugaw, tsaa, o sabaw. Makatutulong ito para sa pagpapanatili ng init sa katawan.
Sa mga suki natin, kapag ganitong tag-ulan, marami ang nag-i-stock ng KRYSTALL Herbal Oil, ginagamit na panghaplos sa mga pinupulikat na binti, nilalamig na mga braso, at likod.
Ang iba naman ay hiyang na hiyang sa ating Krystall Nature Herbs at kanilang iniinom bilang tsaa. Paalala lang, huwag pong iinom ng tea nang walang laman ang tiyan.
Ipagpatuloy din ang pag-inom ng Krystall B1B6 bilang tulong sa inyong kalusugan.
Uulitin ko po… ingatan ang ating kalusugan.