Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Eduardo Poctoy, 57 years old, naninirahan sa Camarin, Caloocan City.
Isa po akong karpintero at house maintenance. Mayroon po akong inaalagaan at binabantayang 10 bahay dito sa Bukid Area ng Caloocan City.
Ang mga may-ari po ng bahay ay mga US citizen na nagbabalikbayan, overseas Filipino workers (OFW), mga nagtatrabaho po sa Laguna, Makati, Taguig at Las Piñas na weekly kung umuwi sa kanilang bahay.
Simple lang naman po ang trabaho ko, pag-alis nila sa bahay, ako na ang maglilinis at magte-check kung natanggal nila lahat ng appliances sa saksakan at lilinisin na maginga ng banyo. At bago sila dumating tuwing weekend, ite-check ko rin muna para pagdating nila ay siguradong maayos at malinis ang bahay nila.
Alam din po nila na 10 bahay ang inaasikaso ko, hindi naman ako naglilihim sa kanila, para maintindihan nila na may kanya-kanyang oras ang pag-aasikaso ko sa kanila.
Kapag may mga kailangang ipaayos, ako na rin po ang pinamamahala nila. Halos 20 taon na po ako sa trabahong ito, sa awa po ng Diyos ay maayos ko namang nagagampanan ang aking trabaho.
Paano ko po nagagawa ito? Aba lagi po akong may nakaalalay na KRYSTALL HERBAL OIL. Katunayan noong nakaraang linggo, namaga po ang tuhod ko at hirap na hirap akong maglakad.
Alam po ba ninyong, hinaplos nang hinaplos ni misis ng Krystall Herbal Oil hanggang mawala ang pamamaga, hayun, nakalakad na po ako.
Ang Krystall Herbal Oil po at Rosario, ang sagot kapag nagkakaproblema ako sa aking mga kasu-kasuan at kinakailangan durugin ang mga lamig sa katawan.
Ang Krystall Herbal Oil ang panghaplos at si Rosario, ang aking misis, ang siyang tagahaplos.
Maraming salamat po Sis Fely sa inyong mahuhusay na imbensiyon.
EDUARDO POCTOY
Camarin, Caloocan City