Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man in Bed

‘Pagtulog’ ni Male star kay Fashion designer ‘di na-switch sa sinusuportahang politiko  

ni Ed de Leon

NAGULAT daw ang isang fashion designer noong isang gabi. Biglang dumating sa kanyang bahay at shop ang isang male star na kakilala naman niya. Akala niya manghihiram ng damit na gagamitin sa TV show, pero hindi pala kundi kukumbinsihin siyang suportahan ang kandidatong ikinakampanya niyon. Hindi naman daw kinontra ng designer ang sinasabi ng male star, pero nahalata niyon na hindi siya kumbinsido.

Tapos bigla raw nagbago ang tono ng usapan. Biglang sinabi ng male star na, “rito ako matutulog sa bahay mo ngayong gabi.” Nagulat ang designer pero kahit na may tsismis na ang male star ay medyo berde rin ang dugo ay pogi iyon. Pumayag si designer na roon matulog si male star, at habang nasa breakfast table sila, sinabi ni designer na nag-switch na siya ng iboboto. Kaso hanggang breakfast lang pala iyon. Pagdating ng lunch time balik na naman si designer sa talagang choice niya.

“He fell short of expectations,” sabi pa raw ng designer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …