HINIMOK ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario o kilala rin bilang Rio Alma na bumuo ng 220 pahinang antolohiyang pinamagatang Lugaw ni Leni, Pink Patrol, KKK, kakampik, atbp.. na suportahan ang libro.
Laman ng libro sina G. Almario at Aldrin Pantero, ang patnugot ng halos 200 pahina ng piling-piling tula, maiikling kuwento, sanaysay, liham, maging mga orihinal na dasal, kanta, at mga pahayag ng suportang naisulat dahil sa lingkod-bayang si Bise Presidente na ngayon ay tumatakbo bilang Pangulo sa halalan 2022.
Ang lahat ng mga nilalaman, maliban sa isa ay nakasulat sa wikang Filipino. Ilulunsad ito sa 17 Abril, Easter Sunday.
Kasama rin sa libro ang 24 pahinang full-color insert ng mga retrato bilang lingkod bayan at mga taong dumagsa sa kanyang mga rally. Dagdag ang mga larawan ni VP Leni Robredo na iginuhit ng iba’t ibang Pinoy artists.
Si Fidel Rillo ang nagdisenyo ng libro habang ang mga larawang iginuhit nina Mark Anthony Taduran at Kapitan Tambay ang tampok sa cover ng libro.
Mabibili ang libro sa San Aselmo Publications, Inc., Face book page, Shopee at sa kalaunan, sa mga bookstore.