I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMABAS din ang pagiging “Maritess” ng ilang local celebrities sa sapakang ginawa ng Hollywood actor na si Will Smith kay Cris Rock na host sa nakaraang Oscar Awards.
May nanisi kay Will at mayroon namang kumampi sa kanya dahil sa biro ni Rock sa asawa ni Smith na si Jada na may sakit na alopecia.
Mas masuwerte pa rin tayo sa local showbiz dahil wala pa kaming nabalitaang pisikalan sa alinmang awards nights sa stage. May solian ng tropeo at nagmamaasim dahil talunan.
Humingi naman ng apology si Smith kay Rock at sa Academy.