Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Cavite rally

Sa Cavite
NETIZENS UMALMA SA PATUTSADA NI REMULLA SA RALLY NI ROBREDO

TINAWAG na ‘sinungaling’ at ‘desperado’ ng ilang netizens si Congressman Boying Remulla matapos nitong akusahan na ‘bayad’ at ‘komunista’ ang mga dumalo sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Cavite.

Sinabi ni Remulla, kilalang tagasuporta ni dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., ‘hinakot’ at ‘binayaran’ ang halos 47,000 kataong dumalo sa “Grand Caviteño People’s Rally for Leni-Kiko” sa General Trias City, Cavite noong 4 Marso.

Sa isang programa sa DZRH noong 5 Marso, sinabi ni Remulla, namahagi ng pera at namigay ng uniporme sa mga hinakot na dumalo ang mga kandidatong nagdaos ng rally.

“Sasabihin nila ang daming tao, e hinakot nila e… May politikong nagbabayad ng 500 sa bawat a-attend. Tapos may jeep, may staging area, may t-shirt, may uniporme. Kaya alam mong hindi ‘indigenous’ e kasi naka-uniporme. Ang uniporme nila siyempre pink,” ani Remulla.

Inmi red-tag din ng kongresista ang mga dumalo matapos sabihing marami sa mga pumunta sa sortie ni Robredo ay ‘trained’ ng mga komunista.

“Ang dami nilang mga estudyante, mga aktibista, ‘yung galing sa kaliwa. ‘Yung mga trained ng NDF. May dalang mga bandera pero pink… Ang CPP-NPA-NDF saka ang Pink, magkakampi na. ‘Yung pink naman kasi dilawan ‘yun e, kakampi naman talaga nila iyon,” banat ni Remulla.

Si Remulla ay kasalukuyang Senior Deputy Majority Leader ng mababang kapulungan ng Kongreso. Isa siya sa 70 kongresistang nagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Austin Simon Atun, isa sa mga pumunta sa sortie, “hindi kami bayad at kailanma’y di mabibili.”

“No one paid us, no one forced us to come there and show support. Every single thing that happened yesterday was all because of volunteerism, love and the willingness of the people to have a clean and decent government after a very long time. The people have spoken, that’s the truth,” ani Atun.

Direktang tinawag ni Atun ang pansin ni Remulla at sinabing “nakahihiyang magkaroon ng isang tulad mo dito sa Cavite, na tinawag niyang “trapo, bulok, mapagpakalat ng gawa-gawang impormasyon at sinungaling.”

“Hindi kami tumindig nang ilang oras, naglakad ng pagkahaba-haba at nagpakagutom para lang sabihin n’yo na binayaran at hinakot kami. Hindi nababayaran ang moral at prinsipyo namin,” dagdag ni Atun.

Hinamon ni Miggy Aranton ang kongresista na tagasuporta ni Marcos na huwag silang itulad sa mga taong hinahakot ng kampo ng anak ng dating diktador.

“Uhm excuse me lang Boying Remulla ha? Walang niisa ang bayad ho sa amin. Kung ‘yung sa inyo bayaran, ‘wag n’yo po itulad sa amin. Dahil sa amin lahat kusang-loob iyon. Hindi kami pupunta at magpapakapagod para lang sabihin mong binayaran kami,” sabi ni Aranton.

Sinabi rin niyiang “lahat ng ginastos ng organizers doon ay galing sa donations.”

“Yes po, donations ng mga kapwa kakampinks din. Tumayo kami doon at naghintay for almost 9 hours dahil ipinasara n’yo ang ibang kalsada papunta sa Gen. Trias tas tatawagin n’yo kaming bayaran? Wala naman kayong proof! Volunteerism po ang tawag sa ginawa namin. ‘Di kami naghakot gamit ang trucks,” diin ni Arantton.

Sa isa pang Facebook post, hinikayat ni Gerry Cacanindin ang publiko na huwag pabayaan ang mga nagkakalat ng maling impormasyon.

“We need to push back. Let’s show these people we won’t take all the lies sitting down. Post your video or photos of the Cavite Grand Rally.

“Tag Boying Remulla and DZRH News. Use the hashtags #HindiKamiBayad #BoyingSinungaling #CaviteIsPink,” aniya.

Noong gabi ng 4 Marso, naging viral sa mga social media platforms ang mga video ng mga taong dumalo sa rally ni Robredo sa Cavite na sumisigaw na “Hindi Kami Bayad, Hindi Kami Bayad.”

Kasama sa mga naging viral na photos and videos ay mga drone shoots na nagpapakita kung gaano karami ang mga taong dumalo.

About hataw tabloid

Check Also

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Sylvia Sanchez

Sylvia noon pa ‘nililigawan’ pagpasok sa politika

RATED Rni Rommel Gonzales HALAKHAK ang unang isinagot sa amin ni Sylvia Sanchez nang tanungin kung totoo …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

San Pascual, Batangas

San Pascual, Batangas mayoralty candidate Bantugon-Magboo, Ipinadidiskalipika sa Comelec

PINASASAGOT ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene …

113024 Hataw Frontpage

Tila iniwan sa ere ng SMARTMATIC
ERICE NAGPAKALAT NG MAPANIRA, MALING INFO — COMELEC

TILA iniwan sa ere ng Smartmatic ang binansagang kontrobersiyal na ‘dating attack dog’ ng Liberal …