Tuesday , December 24 2024
Nuclear Energy Electricity

Nuclear energy, iba pang malinis na power source kasama sa programa ng Lacson-Sotto

SUPORTADO nina Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang paggamit ng iba’t ibang mapagkukuhaan ng enerhiya kabilang ang nuclear energy upang makatulong sa pagbibigay ng malinis at murang koryente sa bansa.

               “Mura kasi kapag nuclear energy, but then ito ‘yung hindi natin naha-harness e,” sabi ni Lacson sa naging pagbisita nila ni Sotto sa Sorsogon nitong Huwebes kung saan sinamahan sila ni Governor Francis ‘Chiz’ Escudero.

               Sang-ayon sina Lacson at Sotto sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang nuclear power sa mga posibleng pagkuhaan ng enerhiya. Sa polisiyang ito, tinitiyak ang mapayapang paggamit ng nuclear technology na nakaangkla sa prinsipyo ng kaligtasan ng publiko, pambansang seguridad, pagkakaroon ng sariling enerhiya, at pagpapanatili sa kalikasan.

               Dagdag ni Lacson, “Alam n’yo ba na ‘yung power sector, 57 percent (doon) ‘yung coal-fired. Napakamahal ng coal kasi nanggagaling pa sa Australia. Kasi ‘yung local coal natin dito hindi tama ‘yung Btu (British thermal unit), hindi sapat. Twenty-one percent renewable kasi nagpasa kami, nandoon pa si Senator Chiz ‘non, ipinasa namin ‘yung Renewable Energy Act.”

Batay sa nasabing batas o ang Republic Act 9513, magkakaroon ng insentibo ang mga energy producer, ayon kay Lacson. Kabilang rito ang kawalan ng value added tax (VAT) sa loob ng ilang taon, tax holiday, lalo sa solar, biomass, at geothermal power producers.

“Ang dami nating puwedeng i-harness, and ‘yung nuclear is also one… Ang consideration lang natin doon talaga ‘yung safety kasi pagka — nasa belt pa naman tayo ng earthquake at lahat,” saad ni Lacson.

               Dagdag pa rito, ayon kay Lacson dapat talagang siguruhin ang kaligtasan ng paggamit ng nuclear energy, lalo pa’t pang-apat ang Filipinas sa pinakamahinang bansa sa epekto ng climate change, ayon sa ulat ng United Nations Development Programme.

“And kung magnu-nuclear tayo siguraduhin natin na hindi mangyayari ‘yung Chernobyl, ‘yung nangyari sa Japan. ‘Yon lang ang number one concern natin ‘pag magnu-nuclear,” ayon pa sa dating hepe ng pambansang pulisya. 

Natapos ang pagtatayo sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) noong 1986 ngunit hindi ito ginamit dahil sa sakunang nangyari sa Chernobyl at ang nangyaring People Power Revolution na nagpatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos na nag-utos sa pagtatayo nito simula noong 1976.

Tinutulan din ng mga aktibistang ayaw sa nuclear energy noong dekada ‘80 ang BNPP na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon. Hindi ito pinaandar ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino na sumunod kay Marcos dahil umano sa isyu hinggil sa kaligtasan nito at korupsiyon na nakabalot dito. Magiging bahagi rin aniya ito ng 10 porsiyentong utang panlabas ng ating bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …