Friday , November 15 2024
davao del norte

Awtentisidad ng pirmang kinolekta ng NORDECO hiniling patunayan

HINAMON ng isang consumer advocacy group sa Davao del Norte ang Northern Davao Electric Cooperative Inc. (NORDECO) na patunayan ang awtensidad ng mga kinolektang lagda mula sa mga taong sinasabing laban sa pagwawakas ng kanilang prankisa.

Sinabi ni Ave Rose Castillo, convenor ng DavNor Energy Modernization Movement, nakatanggap siya ng mga ulat na nangongolekta ang NORDECO ng mga pirma bilang kondisyon upang makapasok sa kanilang payment centers, at sa kanilang mga aktibidad sa komunidad kapalit ng mga grocery bags at maging ng pera.

“If the signatures are authentic, then NORDECO should present it to the public so that the authenticity could be examined. It must be proven that their position is supported by the majority of its consumers,” wika ni Castillo.

Kinondena din ni Castillo ang NORDECO sa hindi pakikinig sa mga reklamo ng consumers tungkol sa madalas na brownouts, mahal na singil ng koryente, at hindi maayos na serbisyo sa kanilang mga customer.

“What the cooperative has been doing is to sweep these complaints under the rug and collaborate with dubious groups just so they could continue deceiving their consumers,” dagdag nito.

Isa sa mga grupong sumusuporta sa batas ang DavNor Energy Modernization Movement, na magpapalawak ng franchise area ng Davao Light and Power Co. (“Davao Light”).

Mula noong 1976, nagsilbi ang Davao Light sa Davao City, Panabo City, Sto. Tomas, Carmen, Braulio Dujali, at ilang bahagi ng Kapalong.

Tinatangkilik din ng legislation ang suporta mula sa lahat ng opisyal ng Davao anoman ang kaugnayan nito sa politika, kasama ang lahat ng mga Davao local government units maliban sa Maco sa Davao del Oro na nagpasa ng mga resolusyon na nananawagan para sa ibang power provider na papalit sa NORDECO.

Nananawagan din ang mga grupo ng negosyo para sa isang bagong power provider, kabilang  ang Samal Island Chamber of Commerce & Industry Inc., Hugpong Manggama sa Isla, Samal City Resort Owners Association, Samal Island Tourism Council, United Association of Tricycle Operators, Drivers of Samal at Tagum City Chamber of Commerce and Industry Inc., na nagpasa ng sarili nilang mga resolusyon sa usaping ito.

Ipinasa sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives noong Enero ng panukalang batas na magpapalawak sa Davao Light’s franchise area at mabawasan ang sa NORDECO. Kasalukuyan ng naghihintay ng deliberasyon ang naturang panukalang batas sa Senate chambers.

Bilang tugon sa patuloy na developments sa Kongreso, sinasabi ng NORDECO na nakakuha sila ng 90,000 signatories na sinasabing laban sa iminungkahing batas.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …