Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga

Diego malalim umarte

REALITY BITES
ni Dominic Rea

PRESENT si Diego Loyzaga sa mediacon ng pelikulang Adarna Gang ng Vivamax. When asked kung nasa ‘Pinas na siya, secret ang sagot niya. 

Halatang umiiwas talaga si Diego na mapag-usapan ang kanyang goodbye sa kanyang naging ka-live-in partner last December. Halatang handa rin namang magsalita si Diego but of course mas pipiliin na lang din ng kampo niya ang manahimik the fact na it’s done and it’s better. 

Anyways, sa aura ni Diego, halatang lalo siyang gumwapo at fresh na fresh huh. Mukhang nakapagpahinga siya sa pagpunta niya sa Amerika at nakapag-unwind ng mabuti na ayon pa sa kanyang recent Instagram post ay hindi siya nagpunta roon to meet friends but he made a family. Something malalim huh! 

I love Diego so much kaya naman happy na rin ako at kami dahil after The Wife ay Adarna Gang naman ngayon ang ipino-promote ng binata bilang pangalawang movie niya for 2022.

In-all fairness kay Diego, nahasa na rin ang kanyang acting skill at kahit paano’y malalim na rin kung umarte ang sikat na aktor. May pinagmanahan siya dahil tatay niya lang naman si Cesar Montano at nanay niya lang naman si Teresa Loyzaga na parehong mahuhusay na aktor.

Nasabi rin nitong kung mayroon man siyang dapat i-celebrate sa March bilang Mother’s Day, ito ay ang kanyang inang si Teresa kasama na ang kanyang stepmom na si Sunshine Cruz na ayon mismo kay Diego ay parehong nandiyan sa kanyang tabi sa mga panahong kailangan niya ng gagabay sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …