I-FLEX
ni Jun Nardo
NAPAPALIBUTAN ng tatlong beauty queens si Senator Bong Revilla, Jr. sa Book 2 ng Kapuso fantaseries niyang Agimat Ng Agila – Rabiya Mateo, Michelle Dee, at MJ Lastimosa.
Aminado ang tatlong beauty titlists na nakadama sila ng takot nang malaman na ang senador ang makakasama nila.
Pero napahanga si Senador Bong sa sagot ni Rabiya nang tanungin kung may kissing scene sila ng senador.
Upang hind imaging spoiler, ang usual na sagot ni Rabiya ang naging tugon niya.
“Abangan na lang ninyo!” Pero dinagdagan niya ito ng, “Kung may kissing scene man kami, alam ko namang iga-guide niya ako!”
Napangiti na lang si Bong sa kasunod na sagot ni Rabiya sa virtual mediacon ng series na napapanood tuwing Sabado sa Kapuso Network.