Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Willie hanggang Biyernes na lang sa GMA — Nagdurugo ang puso ko

I-FLEX
ni Jun Nardo

PASUNDOT-SUNDOT lang si Willie Revilllame sa lumabas na balitang hanggang February 11, Friday, ang Tutok To Win niya sa GMA.

Live ang show ni Willie noong  Lunes at sa GMA studio ang venue nila.

Normal lang si Willie sa takbo ng show. Eh nang pumasok sa isipan niyang hanggang February na lang ang kontrata niya sa Kapuso Network, “Valentine’s day na. Nagdurugo ang puso ko!”

Nang basahin naman niya ang ilang text, nagsabi siya ng, “Nag-iiyakan ang mga nagti-text sa akin!”

Basta ang pangako ni Willie, patuloy siyang mamimigay ng tulong sa napiling caller. Basta nagsabi siyang kailangan nila ng dancers sa show.

Walang opisyal na pahayag si Willie sa GMA at sa broadcasting network ni Senator Manny Villar. Knowing him, malamang na sa huling araw ng telecast ng show niya ang malaki niyang pasabog, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …