Tuesday , November 19 2024

Ospital pa sa mga isla, pangako ng partylist solon

INILAHAD ni Congresswoman Sherrnee Tan-Tambut ng Kusug Tausug partylist ang kanyang pagnanais na maragdagan ang bilang ng mga pampublikong pagamutan sa isla at bayan matapos ang naging laban niya noong nakaraang buwan sa CoVid-19 sa kabila ng pagiging bakunado.

Sa ibinahagi niyang detalye habang sumasailalim sa home quarantine, gamit ang kanyang Facebook account, sinabi ni Cong. Tan-Tambut na kahit banayad lamang ang tumama sa kanyang SARS-CoV-2 virus, ang labis na pangungulila sa kawalan ng makakausap, liban sa tawag sa cellular phone, ang nagdulot ng labis niyang pangamba na baka hindi makabawi ng lakas laban sa sakit.

Ang naranasan niyang ihiwalay ang sarili sa iba ang nagbunsod sa kanya upang isipin ang mga tinatamaan din ng ganitong uri ng sakit na may maliit o wala man lamang tsansa upang masuri at magamot sanhi ng napakalayo sa kanilang lugar ang mga ospital bukod sa napakamahal at kakaunti lamang ang sakayan patungo rito.

Isinulat ng kongresista na may 1,800 ang kabuuang bilang ng mga pagamutan sa bansa sa taong 2019 at 40 porsiyento dito ay mga pampubliko. Ang bilang na kanyang sinipi ay nagpapahiwatig ng kakulangan ng bilang ng mga pampublikong pagamutan na magsisilbi sa pangangailangan ng bawa’t Filipino na naninirahan sa 81 lalawigan sa bansa.

Inihalimbawa ni Cong. Tan-Tambut ang Sulu, sa 19 munisipalidad, walo ang nasa isla na malayo sa kabisera ng bayan ng Jolo kung saan naroon ang pagamutan. Ang lalawian ng Sulu ay may mahigit 100 isla na maraming naninirahan.

Nagpahayag ng pag-aalala ang Kongresista sa mga naninirahan sa malalayong isla na magpopositibo sa virus na kinakailangan pa ang ibang uri ng masasakyan upang makarating sa pagamutan. Ang pakikisimpatiya sa mga may sakit na naninirahan sa malalayong isla ang nagbunsod kay Tan-Tambut na maghain ng panukalang batas, kung sakaling manalong muli ang kanilang partylist sa nalalapit na halalan, na naglalayong dagdagan ang bilang ng primary at secondary na pampublikong pagamutan, lalo sa mga munisipalidad na nasa isla.

Ang partylist na Kusug Tausug, bagama’t literal ang kahulugan na lakas ng mga Tausug, ay hindi lamang naglilimita sa pananaw na baguhin ang kalidad ng buhay ng mga Tausug kundi layunin din makabilang ang iba pang katutubo at sektor ng minorya na mabigyan ng sapat at mapanatili ang pagkakaloob ng serbisyo.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …