MATABIL
ni John Fontanilla
GALIT na galit si Melai Cantiveros sa isang netizen na nanlait sa kanyang mga anak at nagsabing mga pangit ito.
Nag ugat ang galit ni Melai sa isang post niya sa Instagram nang nagkomento ang isang netizen na may personal account na @stan.francine.chin ng “Epal mo din ano. Wag mo iship si Kyle (Echerri) kay Chie (Filomeno) anak mo nga ang pangit e”
Kaya naman dali-dali itong sinagot ni Melai ng, “Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu.
“Mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko.
“Ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko, kahit itlog ka kahit magdeactivate ka, alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita.”
Dalawa ang anak ni Melai at asawang si Jason Francisco na sina Amelia Lucille, 7 at Stela Rosalind, 4.
Dahil sa sobrang galit ni Melai ay idedemanda nito ang nasabing netizen na nanglalit ng kanyang mga anak.