Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban

Angelica nilait-lait ng netizens sa ginawang advocacy advertisement

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABENG lait ang natatanggap ni Angelica Panganiban sa ginawa nitong advocacy advertisement ukol sa pagpili ng kandidatong iboboto sa 2022 elections.

Sa video ni Angelica ay ikinompara nito sa isang manliligaw ang mga kandidato at kung ilang beses na siyang naloko at nabudol. “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh! Dapang-dapa! Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap. 

“Minahal ko  eh, Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko., pero wala! Nganga! Mambubudol pala!”

Sabay hugot ng, “I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko.

“Huwag magpapabudol at huwag sa magnanakaw!” sey pa ng Kapamilya actress.

At dahil dito ay nag-trending si Angelica at inulan ng batikos at masasamang salita na halos mura-murahin ng netizens na ‘di nagustuhan ang ginawang advocacy advertisement. inisa-isa rin ng mga ito ang mga intrigang pinagdaanan ni Angelica.



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …