I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGULANTANG ang lahat nang maglabas ng statement ang GMA Network tungkol sa kontrata at show ni Willie Revillame na Wowowin.
“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.
“We wish him good luck in his future endeavors.”
Base sa statement, February 11 na lang ang telecast ng show ni Willie. Eh sa isa niyang episode, nagsabi pa wi Willie na sa GM Network na sila magla-live mula sa kanyang resort sa Tagaytay.
Ayon kay Manay Lolit Solis na malapit sa GMA at kay Willie, walang renewal of contract na naganap between the two parties. Blocktimer sa GMA si Willie kaya at his mercy siya ng kanyang network.
Eh dahil sa statement na ito, lumabas ang espekulasyon na lilipat si Willie sa broadcast network ng mga Villar na isa sa nakakuha ng frequencies ng ABS-CBN. Malapit si Willie sa mga Villar.
Abangan ngayong Lunes, ang magiging pahayag ni Willie tungkol dito.