Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Vice Ganda ayaw ipahamak ang Pilipinas (kaya ayaw tumakbo sa politika)

MATABIL
ni John Fontanilla

 “IT’S a big no!” Ito ang naging kasagutan ni Vice Ganda sa taong kumukumbinsi sa kanya para  pasukin ang politika

Sa naganap na  ng sikat na sikat na celebrity dermatologist na si Vicki Belo ay  mariing sinabi  ni Vice na wala siyang planong pumasok sa politika.

Ayon nga kay Vice, “Siyempre  hindi ko sasabihin na never, baka lamunin ko. Hindi ko alam, pero sa ngayon no, hindi talaga, wala talaga akong balak tumakbo.”

Dagdag pa nito, “Pwede akong manalo, feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans, baka maraming bumoto sa akin, dahil  maraming natutuwa sa akin.

“Pero ako sa sarili ko ngayon, hindi ako magaling doon. So, bakit ako pupunta roon? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run,” giit pa ng Unkabogable.

Mas gustong tutukan ni Vice kung ano man ang ginagawa niya at mga bagay na alam niyang gawin, katulad ng pagho-host, pagco-concert, pag-arte at pagnenegosyo, pero hindi ang pagpasok sa politika na wala siyang kaalam-alam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …