MATABIL
ni John Fontanilla
WALANG balak si Joel Cruz na pasukin ang magulong mundo ng politika.
Ayon kay Joel ayaw niyang mapagbintangang corrupt. Aware naman tayo na malimit na nagiging issue ng isang politician ay ang corruption. Pero hindi naman nito nilalahat pero mayroong mangilan-ngilan na gumagawa nito.
Sayang naman ang na build niyong pangalan kung masisira lang sa pagpasok niya sa politika. Puwede naman siya tumulong kahit hindi siya politiko.
Katunayan, sobrang dami ng tinutulungan ni Joel, kaya naman marami ang nang-eenganyo sa kanya na tumakbo sa darating na election para mas marami pa itong matulungan. Pero it’s a big no dahil happy siya sa life niya ngayon kapiling ang kanyang mga anak at sa kanyang matagumpay na negosyo.
Bukod sa Aficionado Germany Perfume at Takoyatea ay nakatakdang maglabas ng Personal Care, Home Care Products for Men and Women si Joel ngayong taon.