Friday , November 15 2024

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media Broadcasting System ni dating Senador Manny VillarSonshine Media ni Pastor Apollo Quiboloy sa Channel 43 ng AMCARA, at ang Aliw Broadcasting ng pamilya ni dating Ambassador Antonio Cabangon-Chua na nakakuha sa Channel 23, ay hindi maaaring kuwestiyonin ng ABS-CBN sa korte dahil wala na nga silang franchise, at kung ganoon ay walang legal personality para maghabol.

Pero kung babalikan natin ang mga pangyayari 36 na taon na ang nakararaan, ganyan din ang nangyari sa Banahaw Broadcasting Corporation, na sinequester ng gobyernong Aquino sa bintang na ang may-ari noon na si Ambassador Roberto Benedicto ay crony at ang kanyang mga estasyon ng TV ay illegal wealth. Wala pang desisyon ang mga korte pero iyong Channel 2 ng BBC, pati na ang mga equipment niyon ay ipinagamit na sa ABS-CBN. Na ang kasunduan kung natatandaan namin ng

tama ang sinabi ni MTRCB Chairman Manoling Morato ay inaarkila ng ABS-CBN sa PCGG ng P25-M isang buwan.

Masakit pakinggan, pero ang nangyari noon from one crony to another. Naisip ba nila na bago pa naging presidente si Ferdinand Marcos may network na si Benedicto, iyong Kanlaon Broadcasting System?

Maraming claims eh. Pinakauna raw ang ABS-CBN sa buong Pilipinas at pangalawa sa buong Asya dahil nauna ang NHK TV ng Japan.

Pero ang tinutukoy nilang Alto Broadcasting  noon ay hindi pa iyang

ABS-CBN kundi ang dzAQ TV, Channel 3 na ang may-ari ay si Antonio Quirino, na nagbukas noong Oktubre 1953. Iyong Channel 9 ng Chronicle Broadcasting Network ay dumating nang mas huli na. Nabuksan na ni Bob Stuart ang Republic Broadcasting System. Nakapagbukas na rin ang Manila Broadcasting ng Channel 11, at ang Associate Broadcasting ng Channel 5, dahil 1958 na nga nang mabili ng magkapatid na Lopez mula kay Tony Quirino, pati iyong iba pang estasyon ng Bolinao Broadcasting na ginawa nga nilang ABS-CBN. Tapos nakuha naman ni Ambassador Benedicto para sa kanyang Kanlaon Broadcasting System ang Channel 9, nang lumipat naman ang ABS-CBN sa Channel 2 at 4.

Ganyan ang kuwento ng television industry sa Pilipinas. Kaya iyang frequencies, lipatan lang ng lipatan iyan at ngayon nga na lilipat na tayo sa digital format, mababago na naman iyang frequencies na iyan, at i-bash man nila nang i-bash iyang NTC sa social media at sa mga broadcast nila, ilang buwan na lang wala na iyan. Ang daming frequencies na available, ang asikasuhin na lang nila ay kung makakakuha pa nga sila ng franchise ulit. Depende iyan sa

susunod na administrasyon Tama o mali, iyan ang reality.

About Ed de Leon

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …