I-FLEX
ni Jun Nardo
KASAMA pa rin pala si Sanya Lopez sa mga unang episodes ng pagbabalik ng Agimat ng Agila (Season 2) ni Bong Revilla, Jr. na mapapanood simula ngayong Sabado sa GMA.
Si Sanya ang nakapareha ni Bong sa season 1. Pero sa bagong season, si Miss Universe PH na si Rabiya Mateoang makakaromansa ng senador.
Sa season 2 ng action-fantasy-drama series, pangako ni Bong, hindi mabibitin ang manonood sa mas maaaksiyon na malapelikulang idinirehe ni Rico Gutierrez.