Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romano Vasquez

Burol ni Romano punumpuno ng bulaklak

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG latest, hanggang Biyernes pa raw ng gabi ang burol ng yumaong actor na si Romano Vasquez. Punompuno ng bulaklak ang tabi ng kanyang kabaong na sa palagay namin ay gusto niya, dahil natatandaan namin noong araw tuwang-tuwa siya kung maraming sampaguitang ibinibigay sa kanya.

Maraming mga usapan tungkol sa maagang pagpanaw ni Romano. Marami ang naniniwala na bata pa siyang masyado para mawala. Edad 51 lang siya. Wala naman siyang malubhang sakit. Pero talagang ganoon lang ang buhay. Hindi mo naman alam talaga kung hanggang kailan lang ang buhay mo.

Sa ngayon marami ngang usapan pero naniniwala kami na dapat nga sigurong may mga bagay na hindi na dapat pag-usapan ng publiko. Karapatan naman ng kanyang pamilya ang hinihingi nilang privacy lalo na sa panahon ng kanilang kalungkutan. Palagay namin dapat makiramay na lang muna tayo.

Isa si Romano sa mga bata na naging close talaga sa amin noong panahon ng That’s Entertainment. Siguro nga masasabi naming iyang si Romano ay isa roon sa marami kaming alam na sikreto, kasi siya rin naman ang nagkukuwento at minsan ay inihihingi niya ng advice. Marami ang hindi nakaiintindi kay Romano, pero ang totoo napakabait na bata niyan.

The last time na nakausap namin si Romano, inaalok pa niyaBkaming sumama sa kanyang negosyo na maganda naman kaya lang hindi naman kami handang mamuhunan noong mga panahong iyon. Nalaman na lang namin malaki na ang negosyo niya. Kung may naging problema man later on, iyon ang hindi na namin alam.

Siguro kaya rin naging close kami kay Romano, at nagtiwala rin siya sa amin ay dahil sa katotohanang lahat ng mga nauna niyang mentors ay mga kaibigan din namin. Marami kaming kuwento niyan na ewan kung kailan ba matatapos kung sisimulan namin. Noong huli nga kaming magkita, na matagal na rin naman, inabot kami ng halos hatinggabi na ang pinagkukuwentuhan lamang ay iyong mga pangyayari noong mga nakaraang panahon.

Siguro nga masasabi naming isa kami sa nanghihinayang dahil sa maagang pagyao ni Romano. Siguro kung hindi siya nawala agad, marami pa siyang magagawa at marami pang matutulungang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …