Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Tutok To Win

Willie may P50k na pa-birthday sa masuwerteng viewers

I-FLEX
ni Jun Nardo

NGANGA muna ang dancers ni Willie Revillame sa Tutok To Win. Tanging ang choreographer na si Ana Feliciano ang nasa show pero hindi para magsayaw, huh!

Naatasan si Ana na tagaabot ng produkto ng isa sa sponsors ng show na kadalasan ay tinutukso ni Willie.

Limitado rin kasi ang staff ni Willie sa live episode ng show everyday. Sa Tagaytay sila lagi nagla-live.

Tuloy pa rin ang pamimigay ng show ng pera sa lucky viewers. Medyo binabago lang ni Willie ang pamimigay dahil kapag nakatututok sa show ang natawagan, malaki ang pera pero kapag hindi nakatututok, bawas ang ibinibigay miya. Dinadagdagan pa niya ang pera sa game na pahulaan sa viewer.

Eh dahil birthday month ni Willie ang January, gagawin niyang P50K ang ibibigay sa masuwerteng matawagan niya!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …