HATAWAN
ni Ed de Leon
MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male star na gumawa ng ilang BL movies. Kinalolokohan siya hindi lang ng mga bading kundi mga babae rin. Pero makalipas lang ang ilang buwan, hindi malaman kung bakit nagbago ang kanyang hitsura, mukha siyang tumanda na hindi mo maintindihan, at nawala ang kanyang boy next door appeal.
Marami ang may duda, baka raw nagkaroon siya ng hindi magandang bisyo. May nagsasabi naman na baka frustrated pa rin siya sa takbo ng kanyang career, dahil hindi nga siya mabigyan nang mas magandang assignment. Pero sayang siya dahil ang pinakamatinding asset niya ay ang kanyang mukha.