Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Alejo

Elijah tutok na tutok sa career, No time sa lalaki

MATABIL
ni John Fontanilla

DALAGANG-DALAGA na ang dating child star at isa sa cast ng hit Kapuso Afternoon Prime na Primadonnas na pinagbibidahan nina Althea Ablan, Sofia Pablo, at Jillian Ward.

At habang nagdadalaga ito ay mas lalong gumaganda at mas humuhusay bilang aktres kaya naman sunod-sunod ang ginagawa nitong proyekto sa GMA 7.

Pero kahit dalaga na si Elijah, wala pa siyang balak magka-dyowa, mas gusto muna nitong tutukan ang kanyang showbiz career.

Sayang naman ‘yung magandang break na ibinibigay sa kanya ng GMA 7 kung hindi niya pahahalagahan at magpo-focus lang siya sa lovelife. Kaya naman it’s a big no sa pakikipag-dyowa ngayong 2022.

Bukod pa sa may tamang edad at tamang panahon ang pagkakaroon ng special someone, masyadong bata pa siya para rito. Gusto ri  niya munang matupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya bago mag-boyfriend.

Ilan pa sa makakasama ni Elijah sa Primadonnas Book 2 sina Aiko Melendez, Sheryl Cruz, Chanda Romero, Wendel Ramos, Will Ashley, Allen Ansay  atbp. na idinidirehe nina Gina Alajar at Philip Lazaro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …