Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Tonz Are John Lloyd Cruz

John Lloyd at Angel dream ni Tonz Are na makatrabaho

MATABIL
ni John Fontanilla

SIMPLE pero memorable ang selebrasyon ng actor at matagumpay na negosyong si Tonz Llander Are ng kanyang ika-10 taon sa showbiz noong January 10, 2022.

Ani Tonz, ”Sa house kami nag-celebrate ng aking 10th year anniversary sa showbiz kasama ko ‘yung brother ko, nag-dinner kami kasama ‘yung malalapit kong kaibigan, ‘yung malayong nanay-nanayan ko na owner ng Samgyupsal hHaseyo Caloocan branch.

“Nagpapasalamat din ako kay ma’am Joana Marie Loreto na CEO  ng RHYL-C na bago kong endorsement na nagluto rin sa house nila talaga para sa akin and nagpsasalamat din ako sa family ko na nandiyan lagi para akin at sa Poong Maykapal na siyang laging nagbibigay ng lakas para abutin ang aking mga pangarap.”

At sa selebrasyon ngang iyon  ay may mga local celebrities ito na gusto niyang makatrabaho.

Gusto ko talaga makatrabaho sina John Loyd Cruz at John Arcilla na parehong napakahusay na aktor. 

“Gusto ko ring makatrabaho muli si Mommy Gina Pareño na naka trabaho ko na sa movie ko na ‘Rendezvous’ na naging sobrang malapit sa akin na  para ko na ring nanay-nanayan sa industriya.

“Dream ko rin makatrabaho si Angel Locsin, dahil napakahusay din niyang aktres.

“Sana makatrabaho ko sila ngayong 2022 or kung hindi man ngayong taon sa mga susunod pang mga taon.

“Wish ko na sana po dumami ‘yung mga  project na dumating sa akin ngayong 2022 at para sa family ko na rin.”

At ngayong 2022 ay maraming abangan ang kanyang mga supporter. “This 2022 may mga project ako na dapat abangan ng mga supporter ko like ‘yung movie ko na ‘Ang BALUD.’  Ako po ang bida rito na idinirehe ni Marvin Gabad  at ‘yung bago kong endorsement ‘yung RHYL-C kaya naman thankful ako kay Mam Joana Marie Loreto na nagtiwala sa akin para kunin ako bilang celebrity endorser at mapapanood pa rin ako mula Mondays to Fridays 12 midnight sa GMA 7’s ‘THE 700 CLUB ASIA,’” pagtatapos ni Tonz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …