HATAWAN
ni Ed de Leon
“SANA ako na lang. Hindi na rin naman siya ganoon ka-pogi, mataba pa ngayon at laos na rin,” sabi ng isang male star nang malaman niyang ang dating poging-poging matinee idol na sikat noong araw ay hinagip ng isang mayamang gay na nakilala noon sa isang party na naroroon din naman siya.
Ang dating sikat na matinee idol ay ipinakilala raw ng isang fashion designer sa rich gay. At nang pumayag iyon sa medyo mababang presyo kaysa “asking price niyang dati” nagkasundo agad ang dalawa.
Wala na rin naman kasing ibang nakakapitan ang dating sikat na matinee idol, iniwan na rin siya ng girlfriend niyang dating baliw na baliw sa kanya at pinagkakagastahan siya. Ngayon ang dati niyang girlfriend ay may boyfriend na ring foreigner.