Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Epy Quizon Eric Quizon Jenny Quizon Vandolph Quizon

Pagsasama-sama tuwing pasko gustong ibalik ni Vandolph sa pamilya Quizon

(ni JOHN FONTANILLA)

MAY mga bagay na sobrang nami-miss ni Vandolph Quizon simula nang iniwan sila ng kanilang pinaka­mamahal na ama na  si King of Comedy  Dolphy lalo na noong nag Pasko at Bagong Taon.

Kuwento ni Vandolph sa virtual press conference ng kanilang gag show sa Net 25 na Quizon CT/ Quizon Comedy Theater last January 11 na sa tuwing sasapit   ang Kapaskuhan ay ang kanilang butihing amang si Dolphy ang tumatayong Santa Claus sa kanilang lahat na nagbibigay sa kanila ng ampaw at  kasabay na kumakain sa hapag kainan at nagtatawanan sa mga hirit nitong jokes.

Ito nga ang gusto niyang ibalik sa kanilang pamilya ang pagsama-sama sa tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon at kinausap na nito ang kanyang mga kapatid. Nagkataon lang na nag-pandemic kaya hindi natuloy pero nag-usap sila na gagawin na nila ito taon-taon ‘pag wala ng pandemya.

Kaya naman very thankful ito na ang kanyang mga kapatid na sina Eric at Epy ang makakasama sa show sa Net 25.

Tribute nila ito sa  kanilang Daddy Dolphy, na ang ilan sa mga classic na  eksena ng Comedy King na sumikat sa kanyang mga proyektong ginawa ay  mapapanood sa Quizon CT.

Nakasentro sa pamilya ang kanilang gag show, limitless ang mapapanood dito kaya naman every episode ay iba’t iba ang magiging putahe nito sa mga manonood na dapat abangan.

Bukod sa Quizon Family mapapanood din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at Billie Hakenson. Mula sa direksyon nina Eric at Epy, mapapapanood ang Quizon CT tuwing linggo 8:00 p.m. sa  Net 25.

 (JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …