Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa isang Beatrice Pia White at ang isa pang umano ay kasabwat niyang kinilala naman si Efcel Reyes, matapos na umano ay tangkain pa nilang hingan ng P80K ang may-ari ng isang kotse na kanilang nirentahan bago nila isauli. Nahuli sila matapos na maikasa ang entrapment operations ng HPG, dahil sinasabing may ilan pa silang nabiktima.

Lumabas na ang pangalan ni White, pati ang kanyang mugshot matapos na maaresto ng HPG, pero bagama’t binabanggit, hindi nila madiretso kung sino ang sinasabi nilang asawa ni White na isang sikat na PBA Player.

Hindi rin nga namin alam kung dapat bang sabihin na siya ay asawa ng PBA player dahil may nabalita rin na sila ay matagal nang hiwalay at nag-file na ng divorce. Si White ay sinasabing isang businesswoman mula sa Cebu na tinawag din niyong “mystery woman” nang magpakasal sa isang cager na mas bata kaysa kanya. Ang sikat na cager ay involved din noon sa isang kilalang TV personality. Hindi nga rin nagtagal ang kanilang halos inilihim na kasal noon.

Bago nagpakasal si White sa kilalang basketball player, may nauna na rin siyang pinakasalan, pero hiwalay din siya sa naunang asawa. Sa pag-aresto sa kanya, kabilang sa bintang ang mga kasong estafa, paggamit ng mga fake na pangalan, at technical carnapping.

Marami rin umanong mga taga-showbiz na biktima rin ni White.

Sa kanyang parte naman ay tahimik lang at walang statement ang cager na si Terrence Romeo na sinasabing asawa ni White bagama’t matagal na rin daw nagkahiwalay ang dalawa.

Hintayin na lang natin ang magiging development ng mga kasong iyan, pero sa tingin namin ay unfair naman kung patuloy na makakaladkad ang pangalan ni Terrence sa kasong iyan lalo na at sinasabing matagal na rin naman silang hiwalay.

Ang dapat pag-usapan diyan ay iyong kaso na lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …