HATAWAN
ni Ed de Leon
SA kabila ng kanyang pagsisikap na mabura na ang kanyang gay image, hindi pa rin maalis-alis iyon sa isipan ng fans.
Masyado nga kasing maraming tsismis tungkol sa kanyang mga nakaraan.
Wala namang tsismis na siya ay nanlalaki, pero ang bintang nga sa kanya, siya ay “gay for pay.” Iyan iyong mga bading na pumapatol sa kapwa nila bading, pero pinalalabas na sila ang lalaki sa kanilang relasyon.
Hanggang ngayon kasi, sinasabing gusto niyang linisin ang kanyang image pero ayaw naman niyang tigilan ang kanyang pagiging gay for pay.
Mukhang ang kanyang sideline na iyon ang kanyang pinagkukunan talaga ng ibubuhay niya sa kanyang pamilya dahil kakaunti naman ang assignment niya sa ngayon. Kaya nga hindi niya maiwasan ang makipag-date sa kanyang mga “client” kahit na delikado ngayon dahil sa covid.