HATAWAN
ni Ed de Leon
MUNTIK nang hindi makabalik pauwi ang isang male star na nag-sideline sa isang island resort. Sumama si male star sa isang gay politician sa island resort at ang usapan ay one week silang magsasama sa bakasyong iyon. Ok lang naman kay male star dahil wala pa naman siyang schedule ng taping, at saka siyempre mas malaki ang kikitain niya sa gay politician.
Kaso lumala ang kaso ng Covid, mabuti na lang at tinawagan ng kanyang staff ang gay politician at sinabi ngang itataas ang alert level at baka sila ma-stranded. Panay din naman ang pasalamat ng male star dahil kung hindi, paano niya ipaliliwanag kung bakit stranded siya kasama ang gay politician?
Mahirap ding ipaliwanag iyan. Kung na-stranded siya ng walang kasama baka mas ok pa kaysa mabalitang may kasama siyang gay politician.