I-FLEX
ni Jun Nardo
ISA sa natutuwa sa pagpasok sa politika ni Dr. Minguita Padilla si TV host Ali Sotto.
Naging magkaibigan sina Ali at Dr. Minguita nang i-donate ng aktres sa Eye Bank Foundation ang cornea ng yumaong anak na si Miko Sotto.
Isang healthcare and COVID-19 crusader si Dr. Padilla. Tampok ang buhay niya sa short film na Liwanagproduced ng Kapitana Media Entertainment at pinagbidahan ni Valeen Montenegro.
Si Dr. Padilla ang founder at president ng Eye Bank Foundation of the Philippines.
Saad niya sa producer-writer na si Rosanna Hwang, “I am very grateful to those who put this project together. They truly care for me and they know my heart and reasons for taking a very big risk, leaving my comfort zone and running for public office.”
Kung sakaling mahalal sa senado, ang ayusin ang Philhealth ang unang gagawin ni Dr. Padilla.