BAGO pa mag-Pasko nakita na nila ang “magsyota” na magkasama sa abroad. Nagpaalam naman daw sila sa kanilang network at siyempre pareho naman silang may mga valid reasons.
Ngayon lang nalaman ng network na magkasama pala sila. Ok lang naman kung talaga ngang magsyota na sila, kaso ang problema nga lang pareho silang lalaki. At malamang sa hindi, pagbabalik niyan ay hindi na naman makakalakad ng diretso ang “girl” nila.
Pero sabi naman ni Maritess hindi na raw mangyayari ang ganoon ulit dahil nasanay na rin iyong isa sa ginagawa ng kanyang boyfriend na Amboy.
Matagal na rin naman sila, although hindi officially magsyota. Hindi naman sila parehong gay. Straight naman iyong boy sa kanilang relasyon, mapagbigay nga lang sa partner na nakatutulong naman sa kanya basta may problema siya lalo na sa pera.
Galante ang gay at marunong namang tumanaw ng utang na loob ang boyfriend.
Huwag na kayong humingi pa ng clue, at baka pati kami ay ma-Enchong Dee rin. Isipin ninyo ang hirap ng loob na mademanda ka ng isang bilyon. (ED DE LEON)