Tuesday , April 15 2025
Vilma Santos

Ate Vi positibong makababawi ang mga pelikulang Filipino

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mga inis na inis na fans, bakit daw kasi itinuloy pa iyang Metro Manila Film Festival sa halip na sumabay na lang tayo sa ibang bansa sa pagpapalabas ng Spiderman. Eh ang tanong naman namin, bakit ayaw naman muna ninyong pagbigyan ang pelikulang Filipino?  Mayroon din namang ang gusto ay iyong pelikulang Tagalog.

Kaya nga minsan, tinanong namin si Ate Vi (Congw Vilma Santos), siya ba ay manonood din ng Spiderman?

Kung magkakaroon ba ng pagkakataon bakit ba hindi? Sa lahat ng pelikula o serye man na napapanood ko, may natututuhan ako. Siguro nga ang forte ko drama, pero iyang pelikulang iyan ay gumamit ng CGI. Matindi ang opticals ng pelikulang iyan. Dito sa atin, wala pa tayo niyong mga equipment na ginagamit nila sa mga acition-fantasy. Gusto ko rin namang matutuhan ang gamit niyan.

Pero alam mo ang sitwasyon natin sa Metro Manila, alert level 3 na naman tayo dahil sa sinasabing pagkalat niyang bagong Omicron variant. Baka kung talagang tataas iyan, mabalik na naman tayo sa lockdown. May mga negosyo na namang masasara. Ang mga sinehan papayagan nga raw bukas, pero baka para sa 30% capacity lamang. Kung ganyan lugi na naman ang mga sinehan, baka magsara na lang sila on their own.

Sa ganyang sitwasyon, siguro ako kahit na gusto ko, sa sitwasyon natin nakatatakot pa talagang manood ng sine. Mabilis daw makahawa iyang omicron variant na iyan,kaya kailangan doble ingat talaga.

“Palagay ko iiwas din akong manood muna ng sine,” sabi ni Ate Vi.

Palagay ba niya makatutuloy pa ang mga pelikulang Filipino matapos na maghilahod ang lahat ng entries sa MMFF?

“Oo naman. Maski sa MMFF may magaganda naman daw pelikula, Kaso mahina ang promo nila, hindi talaga puwede iyong sa social media lang. Kailangan ng pelikula ang legitimate media, kaso ang mahal naman ng advertising sa mga iyon. At kung ganyan ngang ang maaari lang manood sa sinehan ay 30%, wala ring mangyayari.

“Sana naman gumanda na ang sitwasyon para mabuhay na ang industriya,” sabi pa niya.

Tama naman, kailagang gastusan din ang mga pelikula natin, sabi naman ng ibang observers.

About Ed de Leon

Check Also

Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez muling uuwi ng ‘Pinas para sa promosyon ng all new OPM album

IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025. …

MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya …

Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career …

Gela Atayde Time To Dance

Gela ikinatuwa pagbibigay halaga sa mga dancer

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND finals na ngayong Sabado, April 12 ng Time To Dance, ang dance …