Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia TikTok

Joshua’s papogi Tiktok debut, trending

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANIM na milyong views agad ang lumabas sa Tiktokni Joshua Garcia. Ang Tiktok ay hindi lamang sa Tiktok platform inulan ng audience, nag-trending iyon hanggang sa isa pang platform, sa Twitter.

Sa panahon ngayon, possible na nasa sampung milyon na ang hits ng nasabing video.

Tiningnan namin ang nasabing video.Pumorma lang ng sayaw-sayaw si Joshua. Wala naman siyang ginawang nakagugulat, pero bakit nakagugulat ng ganoon ang dami ng nanood sa kanyang video?

Pinag-aralan din namin, pinag-usapan namin ng ilang mga kritiko ng showbiz, at napansin naming nasa 90% ng mga comment ay walang sinasabi kundi, ”ang pogi ni Joshua.” 

Ibig sabihin, iyong kanyang mukha at iyong kanyang personalidad sa kabuuan niyon, ang talagang sinundan ng mga tao. Sa isang obserbasyon, sinasabing nakabuti kay Joshua na nawala na ang love team nila ni Julia Barretto dahil lumabas matapos na masira ang kanilang love team ay mas sumikat pa siya. Ibig sabihin, kung nakatali pa siya sa love team na iyon hanggang ngayon, hindi siya sisikat ng ganyan. Mukhang hindi rin naman kasi nakatakdang sumikat nang todo si Julia. Baka nga sa ngayon malampasan pa iyon ng mga baguhan dahil nag-mature na masyado ang kanyang image nang maging syota ni Gerald Anderson. Bumaba rin naman ang popularidad ni Gerald dahil sa ”ghosting” controversy na nlikha nang ipagpalit niya ang syota niya noong si Bea Alonzo kay Julia.

Ang lumabas na winner sa nasabing controversy, natural si Bea.

Ngayon, pansinin ninyo ang popularidad ng mga sinasabing nangungunang matinee idols sa ngayon, bumababa na rin. At ang tila tumataas ang kasikatan ay si Joshua lamang. Iyong ibang matinee idols kasi ay sumkat nang todo pero nabantilawan ang popularidad dahil sa pandemic. Itong si Joshua ay napansin noong panahon ng pandemic at ngayong natatapos na iyon at nag-mature nang kaunti pa si Joshua, aba lalo yata siyang naging pogi, at dahil siya ang visible, nasapol niya ang kiliti ng  fans.

Kung natatandaan ninyo, ganyan din ag scenario noong 1984. Nakaapat na taon na halos ang mga dating matinee idols, at nang biglang mawala si Alfie Anido at lumamig na rin si Jimi Melendez, humina ang batch ng mga matinee idols noon.

Biglang lumitaw sa mga sinehan ang trailer ng pelikulang Bagets at natawag ang pansin ng mga tao sa pagsasayaw ng poging-poging si Aga Muhlach . Ang kasunod ay isang kakaibang phenomenon. Nabaliktad ang sitwasyon. Sa halip na ang mga babae, lalaking artista ang biglang sumikat nang todo, si Aga iyon.

At sa totoo lang, ganyan ang nakita naming dating ni Joshua sa ngayon.

Ang problema lang, medyo tagilid ang network nila dahil wala ngang franchise ang ABS-CBN at hindi kami naniniwalang ganoon pa rin sila kalakas kahit na off the air. Wala iyang sinasabi nilanginternet audience. Iyong film company nila, hindi rin makabuga dahil wala nga ang ABS-CBN. Paano na si Joshua?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …