HATAWAN
ni Ed de Leon
PINAG-UUSAPAN nila ang isang male star, na nagpakita naman ng kahusayan sa kanyang pag-arte. Matinee idol din ang kanyang dating pero mukhang nasobrahan yata siya sa mga gay role na ginawa na niya sa telebisyon, sa pelikula at maging sa internet. Naging word of mouth din siya, dahil bukod sa mahusay ay pogi siya.
Pero mukhang nagkamali ng diskarte sa kanyang mga kasunod na projects. Bumaba ang popularidad at ngayon nga nasapawan pa ni Joshua Garcia silang lahat, eh ano nga ba ang gagawin niya?
Ang masama pa, bago mag-Pasko, may ilang mga taong nakakita sa kanya na kasama ng isang gay politician. Siguro magpa-Pasko nga naman at kailangan din niya ng pera, kaya pumasok na rin sa “sideline.” Kaso mali ang diskarte, ni hindi marunong pumili ng sideline.
Mukhang silat na naman siya sa napasukan niya. Iyang gay politician na iyan, iyan din ang nag-alaga sa isang male bold star noong araw, na matapos lamang ang ilang panahon. Ibinasura na rin niya. Hindi siya iyong gay politician na talagang inaalagaan ang kanyang lover.
Ewan kung ano ang mangyayaring kasunod sa kanya.