HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGULAT ang aming source, dahil sa isang “private gay Christmas party” ang ginanap sa penthouse ng isang condominium sa Pasig at nakita niyang “guest” ang isang poging social media influencer na nagsasabing mag-aartista na rin daw at lalabas sa isang BL movie.
Bilang guest sa nasabing gay party, si pogi ay “nag-perform” ng ilang numbers at naging grand raffle prize sa party na iyon.
“Nai-take home siya ng nanalo sa raffle.” Ganoon pala iyon basta sinabing guest ka sa mga ganoon.
Kaya nga kung minsan magdududa ka rin diyan sa mga lumalabas sa mga BL na iyan eh. Dahil lahat daw halos iyan kung hindi totoong gays, may sideline naman sa mga gay.
Kung sa bagay, buhay nila iyon eh. Wala na tayong pakialam, pero ang pangit din. Sasabihin mong “artista” tapos iyon pala ay may ganoong mahahalay na sideline.