Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phoebe Walker

Phoebe Walker ayaw munang magmahal

MATABIL
ni John Fontanilla

NO time for love ang motto ngayon ng maganda at seksing Viva actress na si Phoebe Walker pagkatapos nilang maghiwalay ng landas ng kanyang long time non-showbiz boyfriend.

At kahit nga hindi ito masuwerte sa pag ibig, naging masuwerte naman ito sa kanyang showbiz career dahil sunod-sunod ang pinagbidahan nitong pelikula ngayong taon kahit may pandemya.

Hindi rin naapektuhan ang trabaho ni Phoebe, bagkus ay buong husay niyang nagagampanan ang mga role na ibinibigay kahit may pinagdaraanan.

Sa ngayon, unti-unti ng nakaka-move on ang aktres at nag-e-entertain na rin ng manliligaw at lumalabas paminsan-minsan.

Pero pag-amin nito, hindi pa siya ready na umibig muli at gusto muna niyang ipahinga ang nasugatang puso. Alam naman nito na darating ang oras na matatagpuan niya ang kanyang Prince Charming na makakasama  habambuhay.

Ngayong 2022 magpo-focus muna siya sa trabaho lalo na’t  maraming alok sa kanyang trabaho kasama na ang international film.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …