I-FLEX
ni Jun Nardo
THIRD anniversary as a couple nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kahapon.
Kaya naman ‘yung netizens na nakaalam ng kanilang love story, todo post ng picture together nina Meng at Arjo.
“Happy 3rd #Armaine” ang bati nila sa Twitter. Sinamahan pa nila ng, ”Maine Mendoza genuinely happy” tweet.
Sa isang filmfest movie nagsama sina Maine at Arjo and from there, the rest is history.
Sa totoo lang, inaabangan na isang distrito sa Quezon City ang pagtulong ni Maine sa kandidatura ng boyfriend sa halalan next year!