I-FLEX
ni Jun Nardo
KANYA-KANYANG panawagan ang maraming celebrities sa paghingi ng tulong para sa kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette.
Maging ang nasalantang si Andi Eigenmann, nanawagan upang tulungan ang Siargao. Sa Siargao na based si Andi kasama ang mga anak.
Ligtas naman si Andi. Ang nakababahala sa fans ay walang updates si Nadine Lustre sa kanyang social media accounts kung ano na ang kalagayan niya ngayon.
Sa totoo lang, hindi exempted ang ilang celebrities na naninirahan sa napinsalang probinsiya sa delubyong dala ni bagyong Odette, huh!
Ating ipagdasal na makabangon ang Bohol, Cebu, Siargao at iba pang lugar na napinsala ng bagyo!