Monday , December 23 2024
Vilma Santos

Ate Vi umaksiyon sa panawagang tulong sa Visayas

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATUTUWA si Ate  Vi (Congw.  Vilma Santos) dahil sabi nga niya, ”sa awa ng Diyos inabot man ang Batangas ng bagyong Odette hanggang signal number 1 lang kami at wala namang masyadong pinsala. Kaya naman iyong inihanda ng mga tao namin na galing naman sa aking mga kaibigan at doon sa mga produktong ine-endoso natin, naipadala na namin sa mga LGU sa Visayas para matulungan naman sila. Sila kasi iyong talagang tinamaan at may matinding pangangailangan.”

“Ganoon din naman ang ginawa nila noong pumutok ang Taal, nagpa-abot din naman sila ng tulong sa amin. Ganoon naman talaga. Hindi dahil sa Batangas kami iyon lang ang iintindihin namin. Kahit na nasa Visayas at Mindanao pa sila, Filipino pa rin iyan at kailangan nating tulungan. Kung iyong ibang mga bansa nga tumulong eh tayo pa ba ang hindi?

“At sinasabi ko nga kailangan tayong magdasal. At least tamaan man tayo ng problema mabilis naman tayong makakabangon. Nakatutuwa nga, pati si Pope Francis nagdadasal para sa tinamaan ng Odette rito sa Pilipinas. Kailangan talaga magkaisa tayo. Kalimutan na rin muna ang politika. Huwag nang isipin kung kalaban ba iyan o hindi. Basta ang dapat, mabilis nating maiparating sa mga kababayan natin ang tulong.

“Maski nga iyong blog ko eh may binago ako. Hindi naman puwedeng may nangyayaring ganyang kalamidad tapos parang balewala lang sa iyo at ang saya-saya mo. Hindi ka rin naman puwedeng masyadong gloomy dahil Pasko nga, kailangang isipin mo rin na ang mga nagfo-follow sa blog mo gusto ring maging masaya.

“Iyan ang isa pang bago sa akin iyong vlogging. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong mas mahirap pa iyan kaysa TV show?

“Ang tagal ko sa TV, pero hindi ako nag-iintindi eh. Sila ang gumagawa ng content ng show, gagawin ko lang kung ano ang kailangan. Sasabihin nila sa akin ang sequence para alam ko kung saan ako papasok at kung ano ang gagawin ko.

“Itong vlog hindi, kasi ikaw ang nag-iisip at gagawa ng buong concept ng ipakikita mo sa mga tao. Alam mo ba, riyan sa vlog tinutulungan pa ako ni Jessie (Mendiola) at ni Luis (Manzano). Naka-assist pa si Carla, pero mas pagod ako riyan kaysa noong gumagawa ako ng isang buong TV show. Mas mahirap ang vlog,” sabi pa ni Ate Vi

Alam naman ninyo si Ate Vi, laging maraming kuwento pero at saka na natin itutuloy iyong iba.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …