HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKAPAG-RECORDING na pala si Liza Soberano at talaga pala sanang kakanta pa sa ABS-CBN Christmas party pero nang matapos ang recording ay nakatanggap siya ng tawag na malubha na ang kalagayan ng kanyang lola sa US, at iyon daw ang nag-alaga sa kanya, kaya hindi maaaring hindi niya iyon puntahan lalo na’t nalaman niyang nasa delikadong kalagayan na nga ang buhay niyon.
Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi na sila naka-attendng boyfriend na si Enrique Gil sa party ng ABS-CBN, hindi lang namin alam kung nakalipad na sila patungong US, pero hindi problema kay Liza iyang mga restriction dahil siya yata ay isang US passport holder din.
Mayroon talagang ganoon, mga kaanak natin o miyembro ng pamilya na hindi natin basta mapapabayaan, at palagay naman namin naiintindihan ng ABS-CBN ang ganoong sitwasyon, at ganoon din naman ang fans kahit na ang ilan sa kanila disappointed dahil hindi nga napanood ang kanilang idolo.
Pero talagang close kasi si Liza sa kanyang lola. Kung natatandaan ninyo, last year ganyan din ang nangyari at kailangang magtungo si Liza sa US. Nag-request din siya noon na huwag muna siyang bigyan ng assignment dahil hindi siya sigurado kung kailan siya makababalik. Bumuti naman ang lagay niyon kaya umuwi na si Liza, pero ngayon kailangan niyang bumalik ulit. Kung kailan siya uuwi ng Pilipinas, hindi natin masasabi. Basta nag-request lang naman siyang ipagdasal ang kanyang lola, na tiyak ginagawa na ng kanyang fans.
Kung sa bagay, sa ngayon naman ay hindi mo masasabing istorbo iyon sa kanyang career dahil wala pa naman siyang nasisimulang serye. Wala pa rin naman siyang pelikula. Sa ngayon hindi mo naman maaasahan ang ABS-CBN na makapag-full blast habang wala pa silang franchise. Bukod sa cost of production, may dagdag pang gastos para makalabas sila sa free tv, kailangan nilang mag-blocktime sa TV5 at sa Zoe TV, dagdag na gastos iyon. Tapos pareho pang hindi kasing lakas ng original nilang transmitter ang dalawang estasyon, natural mas mababa ang advertising rates nila. Hindi naman kayang i-justify iyon ng sinasabi nilang audience nila sa cable at internet. Iyon ang dahilan kaya hindi rin sila makalaban nang husto.