Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Binagyong pamilya, kabag ng anak pinagaling ng Krystall

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Ronald Escalante, 42 years old, isang security guard na napektohan ng bagyo dito sa Cebu City.

Hindi ko po alam kung paano kami magdiriwang ng Pasko, ngayong grabe ang pananalanta ng bagyong Odette dito sa amin.

Sa katunayan po, kami ng aking pamilya ay nakikipanuluyan ngayon sa isang kamag-anak na kahit paano ay may espasyo pa sa kanilang bahay.

Pero ang hirap, wala kaming koryente at walang tubig. Tinitipid na rin namin ang pagsisindi ng mga gasera at LPG kasi wala na rin daw petrolyo.

Kamakalawa po, habang binabayo kami ng bagyo ang dalas po ng pagdarasal namin. Sumakit pa po ang tiyan ng isang anak ko. Nagkakabag po yata sa tensiyon. Mabuti na lang po at may naitatabi pa kaming Krystall Herbal Oil.

Talagang grabe po ang paninigas ng tiyan ng anak ko, kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng bulak, binasa ko ng Krystall Herbal Oil saka nilagyan ng isang kurot na asin saka ko inilagay sa kanyang pusod.

Pagkatapos no’n patuloy ko pong hinaplos ng Krystall Herbal Oil ang kanyang tiyan mula sikmura pababa. Ganoon din po sa likod. Fifteen minutes po, hindi ako talaga huminto, haplos nang haplos lang.

Aba, mayamaya po narinig ko naglalabas na ng hangin ang anak ko at after 15 minutes pa ulit, lumambot na ang kanyang tiyan.

Sa ganitong panahon ng kalamidad, na-realize ko, importante po talaga ang Krystall Herbal Oil. Hindi po talaga dapat mawalan ng stock nito ang bawat pamilya.

Maraming salamat po Sis Fely. God bless you po.

RONALD ESCALANTE
Cebu City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …