HATAWAN
ni Ed de Leon
“THRILLER naman po ito para maiba naman,” sabi ni Teejay Marquez sa susunod niyang pelikula, na hindi pa rin tiyak kung ilalabas nga sa mga sinehan o sa internet pa rin. Pero mukhang obligadong isama iyon sa internet streaming para mas mabilis ang distribution sa Asian market. Malaki kasi ang fan base ni Teejay lalo na sa Indonesia at mabilis na mapapanood iyon ng fans doon sa pamamagitan ng internet.
Hindi pa naman niya iniiwan ang mga BL.
“May mas nauna akong ginawa kaysa rito na isang BL pa rin.
Nauna lang itong ipalalabas, at saka hindi ko naman iiwan iyon. Sa akin pare-parehong trabaho iyan. Kung ano ang trabahong dumating ok lang sa akin. Wala pa naman ako sa position na maaari akong mamili ng mga gagawin kong roles,” sabi ni Teejay.
Mabuti naman iyang si Teejay. Umangat man ang career, hindi naging maarte.